Monday, February 14, 2011

Futuristic Story of Dizon High


Colonel Lauro D. Dizon Memorial National HighTECH School
                        Ilang henerasyon na ang lumipas, taong 2030 na! Maraming ng nagbago sa ating paaralan, mas lalo nang gumanda at umastig ang Dizon high. Nagkaroon na ng iba’t-ibang mga produkto ng syensya na lalong nagpaunlad sa ating paaralan, Hi-Tech na tayo. May mga computer na sa bawat upuan ng mga estudyante, may mga nagliliparang sasakyan na naghahatid sundo sa sa mga estudyante, voice operated na ang bawat pasilidad, may katuwang ng mga robot at genobots ang mga teacher, may mga teleportal zones na ang bawat room, nag-iilawan ang buong paligid dahil sa mga video monitors na nakapalibot sa mga school building, lumawak na din ang sakop ng school, Wi-Fi area na ang bawat room, at ang lahat ng mga estudyante ay may mga “Brain-powered Eye-goggles”. Mahirap bang paniwalaan?

Isa-isahin nating lahat ang mga kakaibang nangyari sa paaralan. 
  
a. Ang bawat arm chair ng mga estudyante ngayon ay may mga computer na. hindi na nahihirapan ang lahat sa paggamit pa ng notebook dahil pwede na nilang ilagay ang mga lecture nila sa Microsoft Word 2027-AgbHZ.  Nakakapag libang din ang mga estudyante dahil kapag bakante sila ay nakakapaglaro sila ng mga Interactive Games na makakatulong sa pag improved ng kanilang mga IQ.
  b. May mga lumilipad na sasakyan na sasakyan na sa buong paligid ng paaralan, ang mga estudyante ay hated sundo ditto at hindi na nagkakaroon pa ng traffic dahil sa lawak na ere ay pwedeng dumaan sang lahat dahil sa “Highway in the Sky”. Nag-gagarbuhan ang bawat Flying Cars sa mga astig na disenyo nito at sa bilis ng lipad. Magandang dulot ng mga ito ay hindi na nahuhuli sa klase ang mga estudyante, ilang minute lang na sakay ay makakapunta na agad sa paaralan ang mga estudyante.

  c. Voice operated na ang bawat pasilidad. Nabubuksan na ang mga pinto at saradong daanan sa pamamagitan lamang ng utos mula sa iyong boses. Bumubukas at nagsasara ang ilaw sa isang iglapan lamang. Ang mga appliances din tulad ng electric fan at aircon ay madali ng mabubuksan at napapatay. Isang utos lang mula sa iyong simpleng salita, boom, bagbukas na ang dapat bumukas.

  d. Ang mga teacher naman ay mga katuwang ng mga Robot at Genobots. Hindi na sila nahihirapan pang ipalinis ang bawat classroom dahil mga robot na ang gumagawa ng trabahong ito. At kapag naman absent ang teacher ay pwedeng humalili sa kanya ang Genobot isang Robot kamukha o clone ng teacher upang magturo sa mga estudyante mag-isa. At kung may hindi natapos na gawaing sulatin ay mga Robot na bahalang gumawa ng di natapos na trabaho.

  e. May mga teleportal zones na ang bawat classrooms. Hindi na nahihirapang pang magpalipat lipat ang mga estudyante sa pagpasok sa iba’t-ibang classrooms. Papasok lang sila sa teleportal zones at pipindutin ang room na gusting puntahan at hayun!, mabilis na makakapunta sa napiling room sa isang iglapan lamang.

  f.  Ang buong school ay nag-iilawan dahil sa malalaking mala-billboard na announcement at commercial monitors. Dahil sa mga video monitors na ito mabilis nalalaman ng mga estudyante ang mga balita sa loob paaralan at mga announcement na mahahalaga at kailangang ipaalam sa lahat.

  g. Lumawak na din ang lupang sakop ng paaralan. Ngayon ay aabot na ito sa kalhating ektarya. Dumami na din ang mga classrooms, faculty, at laboratory dahil sa paglawak ng school.
  
  h. Wi-Fi area na rin ang buong paaralan. Ang lahat ng mga estudyante ay nkakapag-surf, search, stream at nakakapaglaro ng libre dahil sa “Wireless Fidelity” ng school. Kung mayroon silang mga assignment na kailangang i-search ay libre na nila itong mahahanap gamit ang kanilang mga laptop o kaya ay 3G active cellphones.
  
  i. Ang bawat estudyante ay mga Brain-Signal-Reading Eye Goggles. Hindi na sila nagpapakahirap pang mag sulat, sa pamamagitan ng mga brain signals na tungkol sa pagsulat ay ang mga Laser-Powered Eye goggles na ang gumagawa ng trabaho ng pagsulat. At kapag may gusto silang malamang impormasyon ng isang tao ay titingnan nalang nila ang taong ito at ang lahat ng mga detalye sa kanya ay lalabas at ipapakita sa suot na Eye Goggles.
                        Ibang-iba na talaga ang naging Future sa ating paaralan. Nagsulputan na ang iba’t-ibang produkto ng teknolohiya, nagig mas madali na ang trabaho ng mga guro at estudyante. Angat na angat na ang pag-unlad ng Dizon High-Tech School. Malaki na ang pinagbago ng nakaraan at ang kasalukuyan ang nagpapatunay nito. Mas masarap sigurong mamuhay sa ganitong panahon kung saan ang buong lugar ay nagpapakita ng teknolohiya.

No comments: