Pamagat: Percy Jackson and The Lighting Thief
Uri ng Palabas: Drama, Aksyon at Sagupaan, Hango sa Syensya, Komedya Sinopsis: Isang binata ang nakadiskubre na siya ay anak ng isang Diyos na nagdala sa kanya sa isang paglalakbay upang pigilan ang paglalabanan sa pagitan ng mga diyos. Oras ng Palabas: 1.20 oras
Araw ng Palabas: Pebrero 12, 2010
Direktor: Chris ColumbusSumulat: Joe Stillman, Rick Jordan
Tauhan Gumanap: A.Pangunahing Tauhan
Uri ng Palabas: Drama, Aksyon at Sagupaan, Hango sa Syensya, Komedya Sinopsis: Isang binata ang nakadiskubre na siya ay anak ng isang Diyos na nagdala sa kanya sa isang paglalakbay upang pigilan ang paglalabanan sa pagitan ng mga diyos. Oras ng Palabas: 1.20 oras
Araw ng Palabas: Pebrero 12, 2010
Direktor: Chris ColumbusSumulat: Joe Stillman, Rick Jordan
Tauhan Gumanap: A.Pangunahing Tauhan
Percy Jackson – Logan Lerman
Annabeth Chase – Alexandra Daddario
Grover Underwood – Brandon T. Jackson
Luke Castellman – Jake Abel
B.Diyos
Zeus – Sean Bean
Poseidon – Kevin McKidd
Hades – Steve Coogan
Athena – Melina Kanakaredes
Hermes – Dylan Neal
Persephone – Rosario Dawson
Hera – Erica Cerra
Demeter – Stefanie von Pfetten
Apollo – Dimitri Lekkos
Atermis – Ona Grauer
Aphrodite – Serinda Swan
Hephaestus – Conrad Coates
Ares – Ray Winstone
Dionysus – Luke Camilleri
Buod
Buod
Sa itaas ng gusali ng Empire State, ang diyos ng Olympia ns si Zeus at Poseidon ay nagkita kung saan sinabi ni Zeus na may nagnakaw ng kidlat at sinasabing ang anak daw ni Poseidon na si Percy Jackson ang maaring nagnakaw nito. Sinabi ni Poseidon na hindi maaring ito ang nagnakaw ng Kidlat dahil wala itong kaalam-alam sa tunay nitong katauhan, at sinabi naman ni Zeus na kung hindi siya ang nagnakaw ay kailangan niyang mahanap ito at madala sa Bundok ng Olympus bago sumapit ang araw ng solstisyo, dahil kung hindi ay magkkaroon ng sanduguan. Si Percy naman na 17 taong gulang na may kakayahang tumagal sa ilalim ng tubig sa loob ng mahabang oras ay nalaman ang tunay niyang pagkatao noong siya ay dalhin ng kanyang propesor kasama ang kanyang ina sa Kampo ng Half-Blood dahil sa pag-atake ng isang Fury. Ngunit sa pa-alis nila ay inatake silang tatlo ng isang Minotaur o kalhating tao at toro dahil sa hindi pwedeng pumasok ang kanyang ina sa kampo, napilitan si Percy na patayin ito upang mailigtas ang kanyang ina. Natalo niya ito sa pamamagitan ng sariling sungay ng halimaw, ngunit siya ay naghina dahil sa pakikipaglaban.
Tatlong araw ang nakalipas, nagising si Percy sa kampo, kinalaunan nalaman niya na ang kanya palang ama ay si Poseidon na isang diyos. Nalaman din niya na si Grover pala ay isang satyr at si propesor Brunner naman ay isang centaur. Inutusan ni Mr. Brunner na pumunta si Percy sa bundok ng Olympus upang kumbinsihin si Zeus na siya ay inosente at walang kinalaman sa pagkawala ng Kidlat. Nagsimula ang pagsasanay ni Percy upang gamitin ang kanyang kapangyarihang diyos na pagalawin ang tubig at gamiting sandata. Sa kampo ay marami siyang nakilalang mga kalhating diyos din, sina Annabeth, at Luke. Pagkatapos ng kanilang ensayo kinagabihan ay nagpakita ang tiyo ni Percy na si Hades at sinabing dakip niya ang kanyang ina na si Sally sa mundo sa ilalim ng lupa, sinabi nito na ibabalik lang niya ang kanyang ina kapag ibinigay nito ang kapangyarihan ng kidlat. Sinabihan ni Mr. Brunner na huwag niya itong puntahan ngunit sinuway ito ni Percy, nagdesisyon siyang pumunta sa mundo ng ilalim upang iligtas ang kanyang ina. Sinamahan siya ng kanyang mga kaibigan na sina Grover at Annabeth. Sama-sama nilang pinuntahan si Luke upang ibigay sa kanila ang mapa papunta sa mundong ilalim.
Umalis na ang tatlo upang hanapin ang mga perlas na gagamitin nila upang makaalis sa mundong ilalim. Ang unang perlas ay matatagpuan sa isang halamanan ngunit doon ay nakita nila si Medusa, isang gorgon. Pinagtangkaan silang patayin nito ngunit natalo ito ni percy sa pamamagitan ng pag putol sa ulo nito. Kinuha nila ang ulo upang magamit pa sa pakikipag-laban dahil may kakayahan itong gawing bato ang sino mang tumitig sa mga mata nito. Sunod nilang pinuntahan ang ikalwang perlas sa Parthenon sa Nashville. Sa pagkuha nila nito, muli silang may nakalabang halimaw, isang Hydra o dragon na maraming ulo. Ginamit ni Percy ang sapatos na may pakpak upang makalipad at kunin ang perlas. Ginamit ni Grover ang ulo ni Medusa upang talunin at patigilin ang Hydra. Matapos nilang makuha ang ikalwang perlas, nagtungo naman sila sa Lotus Casino sa Las Vegas para sa ikatlong perlas. Matapos nilang makumpleto ang tatlong perlas ay tumungo na sila Mundong ilalim, matatagpuan ang pinto ditto sa Hollywood.
Doon ay nakilala nila si Hades at ang asawa nitong si Persephone. Ibinalik ni Hades si Sally ng makuha nito ang kapangyarihan ng kidlat na nakatago sa sandatang binigay ni Luke. Habang nakay Hades na ang Kidlat, nigla siyang pinatumba ni Persephone dahil ayaw niyang palaging siyang alipin ni Hades. Ngunit nang aalis na sila, tatatlo lalamg ang nakuha nilang perlas, kaya napilitang magpaiwan si Grover. Nakaalis na sina Percy, Annabeth, at Sally. Ginamit nila ang mga perlas upang makapaglakbay ng mabilis patungo sa gusali ng Empire State. Nang makapunta na sila doon, hindi nila inaasahan na aatakihin sila ni Luke. Nakipaglaban si Percy kay Luke at gamit nito ang kidlat. Ginamit naman ni Percy ang kanyang kapangyarihang pagalawin ang tubig upang talunin si Luke. Matapos ang laban, tumungo na Percy sa Bundok Olympus at doon ay binigay niya ang kapangyarihan ng kidlat kay Zeus. Napawalang sala na si Percy at doon din ay unang beses niyang nakausap ang kanyang ama na si Poseidon. Natapos ang palabas sa pagkikita nilang tatlo at nagging maayos na ang lahat sa buhay ni Percy.
No comments:
Post a Comment