Saturday, September 10, 2011

♪The Beat of My LIFE♪

Ako, yan, baka di nyo ako makilala eh.
Baby!!!


Ako nga pala ay si Dorian Zeus L. Pullan, yan ang ibinigay na pangalan sa akin ng nanay ko dahil gusto daw niya na akin lang ang kakaibang pangalan sa lahat ng mga magiging kakilala ko pag-laki ko, at tama nga siya sa desisyon na iyon dahil kahit kailan sa buhay ko ay wala pa akong nakikilalang kapangalan ko.


Ipinanganak ako sa FPOPS o Family Planning Of the Philippines dito sa San Pablo City noong ika-24 ng Enero noong 1996. Yun ang isa sa pinakamaligayang araw ng mga magulang at kamag-anak ko dahil ako ang pinakaunang apo, pinakaunang pamangkin, at pinakaunang anak ng pamilya namin, ibig sabihin ay ako ang pinakaunang kinagiliwan ng lahat.


Kasalakuyan akong nakatira ngayon sa Brgy. Soledad, San Pablo City Laguna. Matagal na kaming nakatira dito dahil may sarili kaming bahay. Wala na rin kaming balak pang lumipat ng bahay dahil sobrang pinag-ipunan ng mga maguling ko an gaming bahay na may pangalang Antypandor.(haha)


Japorms...
Ang mga magulang ko ay sina Annalyn de Luna Pullan at Fernando Pullan, ikinasal sila noong ika-10 ng setyembre ngunit hindi ko na maalala yung taon dahil di ko pa naitatanong(hahaha). Ang tawag ko sa nanay ko ay mommy at daddy naman sa tatay ko, “as usual”, nagtatrabaho ang mommy ko sa isang agency ng mga nagpapaalis ng mga taong nais magpunta sa abroad(hindi sa illegal recruiter). Ang daddy ko naman ay isang C.I. collector sa Royal Star Appliances, mas maganda ang trabaho ng mommy ko kahit di siya nakapagtapos dahil sabi niya diskarte daw ang mahalaga, ngunit hindi papatalo ang daddy ko dahil From 2004-2011 ay siya ang TOP 1 CI collector ng kumpanya. Ngunit hindi naman sila nagpapayabangan sa kanilang trabaho at yun ang punto ko.


Nung maliit pa ako ay napakabibo at napakatalino ko pa na bata dahil magaling akong sumayaw, kumanta, at maglinis ng bahay. Ipinanglaban pa nga ako ng mommy ko noon sa Mr. Pogi ng baranggay at nanalo ako pati ung kapartner ko, hintayin nyo lang kasi iuupload ko pa yung picture ko kasama yung babae na nalimutan ko pa ang pangalan. Ngunit ngayong teenager na ako ay nawala na sa akin ang lahat sa hindi ko pa malamang dahilan, dahil ba sa pag-ibig?(hahaha)


Sabi sa inyo eh Bike!!
Napakahilig ko noon sa mga laruan dahil mayroon kaming pitong sako ng mga sirang laruan sa may ilalim ng kama namin. Madalas akong makipaglaro sa kapatid kong si Lolon, Tyrone ang tunay niyang pangalan, nagging lolon lang dahil bulol pa ako noon hanggang limang taong gulang. Ngayon ay madalas ko siyang makaaway dahil tuwing inaaway ko siya ay lumalaban pa siya kaya siya ang naiyak. Mahilig din akong magbisikleta noon, naaalala ko pa nga yung kunaunahan kong bike(nasa una ang pedal), hinding-hindi ko iyon malilimutan dahil may sentimental values iyon sa akin. Naalaala ko noon hinahanap ko ang bike kung yun kaso ipinagbili napala ng lolo ko sa magbobote sa halagang isang daang piso!(100pesos!). Noong mga anim na taong gulang naman ako ay ibinili ako ng daddy ko ng tunay na bike, tunay ito dahil hindi ako nagtataob, dahil sa sidecar nito(haha). Napag-aralan ko din ng kaunti kung paano bumalanse sa bisikleta noon, partida anim na taong gulang pa lamang ako. Kaya naman ngayon ay medyo sanay na ako mag-bike, marunong na kasi akong magbitaw ng kamay habang umaandar, kahit wala na ring paa.




Yipeeeeeee....award yun
Noong anim na taong gulang din ako pumasok ng paaralan, pumasok ako sa daycare center ng Brgy. Soledad bilang Prep. Medyo hindi ako noon makaintindi sa mga tinuturo sa akin ng teacher naming, ang tanging naaalala ko na lamang sa mga itinuro ng guro ko noon ay ang pangalan niya na Ma`am Alota! Doon din ay marami na agad akong naging kaibigan dahil palakaibigan nga ako.


Pumasok naman ako ng elementary sa Brgy. Soledad Elementary school noong pitong taon ako. Noong unang araw pa lamang ay medy kinakabahan ako sa pagpasok sa eskwela dahil ayoko mahiwalay sa mommy ko. Ipinasok kaming lahat sa section-B ng grade 1. Pagka-upo ko pa lamang ay hinahanap ko na agad ang mommy ko dahil natatakot nga ako sa school. Naaawa pa nga ako doon sa una kong mga kaklase dahil nagiiyakan silang lahat dahil umalis na yung mga nanay nila, natakot ako nun dahil andami nilang umiiyak kaya hinanap ko sa labas yung nanay ko, buti naman at andun siya kaya hindi na ako natakot at sabay nakinig na ako ng lecture. Ang style ko noon sa pagbubukas ng notebook ko ay basta basta lamang, ibig sabihin ay kung anong page ang mabuklat ko ay doon ko na isusulat ang lecture ko(haha).




Matapos ang ilang araw ay natatatandaan ko na inilipat kami sa ibang section at hindi ko iyon maalala. Noong Grade – 1 ako ay parang nadadalian lang ako sa mga itinuturo ng teacher ko. Kaya naman hindi sa pagyayabang, ay nakamit ko ang titulong “Pinakamahusay Sa Klase”, na sa English ay First Honor. Nakakamit ako ng napakaraming medal noon mula Grade 1 hanggang Grade 6. Halos tuwing Recognition Day noon sa School naming ay lagi akong may award na medal, minsan meron ding bar pin, kaso para sa akin ay supot iyon kasi de-tusok lamang at hindi de-sabit. Tuwang-tuwa lagi ang aking Mom at Dad(haha) kapag araw na ng sabitan dahil halinghinan sila sa pag-akyat. Medyo inggit nga lang ako sa kapatid ko dahil mas madami siyang medal sa akin, nabilang ko iyong medal niya ngayon at ito ay 29! Ang akin ay lampas kalhati lamang na 22 (tsk talo pa ng 7). Medyo naging masaya din ang buhay elementary ko dahil sobrang dami kong kaibigan.




Ang nagging bestfriend ko ay isa lang, mula prep hanggang grade 6, siya ay si William Ilagan. Naalala ko nung grade 3 nung siya ay mapatae sa short!  ↕↕↕↕
OH anu, Agree ka??  Angas palang haha
◄Ngunit ngayon ay din a siya napunta pa dito sa amin dahil siya ay sumali sa fraternity na S.R.B. oh south royale brotherhood, isinasali pa nga niya ako doon kasi marami daw doong friends, pero wala iyon sa plano ko sa buhay kaya hinayaan ko na lamang siya.
May ibubuga naman siya.^^








Siyempre hindi rin maiiwasang magkaroon ng mga “crush crush”  sa buhay, kaya ipinakikilala ko sa inyo ang nagging crush ko mula grade 1 hanggang grade 6. (antindi haha) Siya ay si Aireen Avila.                                                                                   ►


Alam niyang gusto ko siya pero nagging friends na lamang kami buong elementary. T.T




Naging masaya ang buhay elementary ko dahil sa mga kaibigan at experience ko sa buhay. At noong araw ng Graduation day naming, nagging madamdamin ang lahat ng tagpo sa eksenang hindi lubos malimutan ng aking isipan. Nagbigay ng isang “inspirational message” si Mrs. Punzalan na sobrang na-touch kami lahat kaya naman niyakap naming ang mga taong sumuporta sa amin sa buhay elementary naming. Agad agad kong niyakap ang aking lola, pati na rin ang mga magulang ko, at sabay patak ng luha ko na hanggang ngayon ay tanda ko pa kung saan banda pumatak sa school namin.




At sumunod naman na para sa akin ay pinamasayang parte ng buhay ko ay ang “Buhay Highschool”. Pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS ng highschool dahil nakapasa ako sa Science Curriculum doon, Nagtataka ako dahil nakapasa ako ngunit ang mga 2nd, 3rd, at mga achievers ay hindi nakapasa, samantalang ang ako ay honorable mension lang noong grade 6. Sa recitation lang kasi sila magaling.


Nagulat ako noon dahil 15 lang kaming mag-kakaklase! Sabi ko nga sa sarili noon “yes magsasawa ang teacher magturo”(haha). Tanda ko anim lang kaming lalaki, late pa nga ako nung 1st day.


SI Xyriz ung nag pipicture, taz si alvin nag tatago.
Napakasaya noon nung► 1st yr pa lamang kami, tanda ko medyo kasama pa nga ako sa pinakamaliit noon na estudyante (haha), buti naimbento ang cherifer PGM. Naaalala ko pa nga noon ng muntik akong makipagsuntukan kay Jomar, at kay Xyriz din, hindi ko na sasabihin kung bakit. Sobrang close kaming magkakaklaseng lalaki, Bumuo pa nga kami ng tropa noon, ang pangalan ng tropa namin ay “TOOOOOOOGSSSS…” pitong O at apat na S tandaan nyo. Binubuo ito ng walong miyembro. Sina; Darwin, Fausto, Alvin, Xyriz, Paul Rey, Gemar, at Ako. Hindi kasama yung dalwang lalaki dahil sa kadahilanang KJ.


Noong 2nd yr naman kami ay marami kaming naranasang problema dahil mahilig magtalo ang mga kaklase ko sa kung anu anong mga bagay. Kanina away, kahapon away, ngayon away, mamaya away! Hindi na lamang kami sumasali sa gulo na mga lalaki at tinatawanan na lamang naming sila dahil nakakatawa naman talaga. Isang bagay na naaalala ko noong 2nd yr na kakatwa ay noong nag cCR ako. Kasi isang beses ay nag-CR ako sa room naming, nang biglang may isang babaeng itago na lamang natin sa pangalang Khryss!! na pinasok ako sa banyo. Bigla kong inihampas pabalik iyong pinto sa sobrang gulat, buti na lamang at zipper na lang ang inaayos ko at kung hindi ay…


3rd-yr....wacky Post
Noong 3rd yr naman kami, ay mas masaya dahil kaming   mga ► lalaki ang mas makukulit noon, medyo malungkot nga lang dahil noong 3rd yr kami nabawasan ng tatlo, andaya kasi sampo na nga lang kami binawasan pa kami, tsk tsk. Akala ko nga noon matatanggal ako dahil kasama ako sa nanganganib noon, nagsulit-moments pa nga kami noong akala ko ay kasama kami sa matatanggal. Nang bigla na lamang pagkatapos naming magcomputer ay isang napakagandang balita ang sumalubong sa amin sa room. Sabi kasi nila hindi na daw kami matatanggal, laking tuwa ko noon at sabay nagdasal pa nga ako n asana ay totoo nga iyon, nagpasalamat ako kay Lord ng todo noong malaman kong totoo nga iyon. Sobrang saya naming sa balitang iyon dahil hindi na kami magkakahiwahiwalay pa. Kaso yun pala bad news pa rin sa sa tatlo kong kaklaseng lalaki. Ganyan talaga eh, unfair ang buhay, kung sino pang maunti, siya pang babawasan.






SAVERS
Sci-BAND
Ngayon ay 4th yr na ako at malapit ng magtapos ng highschool . Para sa akin ay pinakamasaya at pinakamagiging memorable ay ang 4th yr, noong 1st to 3rd yr kasi ay medyo mahiyain pa ako, ngayon naman ay mas active at makulit na ako sa room namin, sinusulit ko na kasi ang mga araw na makakasama ko sila. Mas madami ako na-experience ngayong 4th yr, tulad ng pinaka una naming concert na sobrang naging successful, hinding hindi ko                    iyon malilimutan. One of the my Happiest Day!


Yeh, Labas ang mga Ganda!
Hindi ko rin nga pala malilimutan yung pinaka una kong J.S. promenade, kakaiba ang naganap na J.S. namin dahil Hawaiian ang Suot naming lahat,  ang gagarbo namin noon, halos glooming lahat ng girls, at Gwapings naman KAMI!!hahaha Tanda ko nga yung 1st dance ko, hindi ko pa nga kaklase hahaha, di ko na sasabihin ang pangalan, for secureness. May isa pa ako natatandaan, may isa akong kaklaseng girl na nagtatampo kasi di ko daw isinayaw, ang awa ko naman kasi gusto pala niya isayaw ko siya haha. Kaya sa next J.S. ko na lang siya isasayaw, di ko na rin sasabihin pangalan, di nyo naman yun problema.(hahahaha)!!


I'm Proud! Long Live Science section batch 08-09!!!
Lalo na ang bawat araw na nakakasama ko ang mga kaklase ko, o mga taong masasabi kong naging bahagi ng buhay ko, kahit sa maikling panahon lamang na kami ay nagkasama-sama. At ngayon nga ay nabibilang ko na ang mga huling araw na naming sa magkakasama at masaya. Kahit papaano, masasabi ko naman sa mundo na naging masaya ako at nabuhay ako dito, at masasabi kong “I’M PROUD TO BE A SCIENCE SECTION”.























2 comments:

Zeus said...

IM gonna miss you soon...T_T

MusicaIJA said...

iiyak na ko tatay !! :D