Para saan nga baga / itong papel at pluma
At damdamin ng tao / ay naisisiwalat.
Ang lahat ay may taglay / sumulat ng bihasa
Hindi maitatanggi / na sa pluma nagbuhat.
Ang damdamin ng tao / ay maihihinuha
Sa paghawak ng lapis / kaliwa man o kanan.
Sinusulat na sagot / o sinulat na katha
Kabulaanan man to / o katotohanan.
Panulat ng isipan / pluma, na ating dugo
Kung malawak ang isip / maaari kang mabunyag.
Malikot, mapaglaro / taludtod na nabuo
Kung ano mang maisip / ating maihahayag.
Ang bukal ng diwa ko / na lagging nalilihim
Inihahayag ng damdamin kong pagkalalim.
At sa pamamagitan / ng hawak kong pluma
Ay naisusulat ko / ang nasa aking diwa.
Maraming wala ngayon / kung wala nitong pluma
Maging ang panitikan / ay hindi mabubuhay.
Ang ating kasaysayan / siguro’y di natala
At maaaring ang bibiliya’y di naisaysay.
Malungkot na daigdig / takbo ng panulat ko
Sa loob ng silid kong / pagkalungkot umawit
Ingat kong hinahanay / ang salitang may kibo
Sa papel kong lamukos / na muntik pang mapunit
Oh plumang aking dugo / bagsak ng luha’t yugto
Lumilimbag ka parin / sa isipang matuwid
Sino ba ang may mata / na hindi mapupugto
Kung ang tahak ng diwa mo / ay ubod ng pait
Kung minsan sa pagsulat / ay may buntong-hininga
Dahil merong pangamba / sa mga mambabasa
Ngunit wag mag-alala / kung sa iba’y masaysay
Basta’t naihayag mo / ang ang iyong dinadamdam
Sa mga parirala’t / pangungusap na tugma
Ay makakabuo ka ng / makabuluhang tula
Gamit itong pluma / at salitang kay lalim
Lawakan itong isip / at pagtugma-tugmain
Sa paggamit ng pluma / magpakadalubhasa
Galingan at lawakan / ang diwa ng sinulat
Isulat mo’t ihayag / iyong nasasaisip
At kung mas lalo pa nga / ang mga dinidibdib
by: Zeus Pullan
No comments:
Post a Comment